Dinakip ng pulisya ang dalawang pulis-Cavite dahil sa kinakaharap na sexual assault complaint sa Bacoor City kamakailan.

Nakapiit na sa Bacoor City Police Station sina Corporal Bryan Santiago Baladjay at Master Sergeant Rey Mendoza Pogoso, kapwa nakatalaga sa Imus City Police Station.

Sa paunang report ng pulisya, ang insidente ay naganap saapartment ng biktima sa Barangay Molino 3, Bacoor City nitong Marso 22 dakong 3:30 ng madaling araw.

Bago ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa kasintahan at tatlong iba pa sa loob ng apartment nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dumating ang dalawang pulis at nakipag-inuman sa mga ito. Matapos ang dalawang oras, pinaakyat na ng kasintahan ang biktima upang magpahinga.

Gayunman, inutusan ng dalawang pulis ang kasintahan ng biktima na bumili ng alak.

Nang makaalis, kaagad na pumanhik ang dalawang pulis at isinagawa umano ang pang-aabuso sa biktima.

Nagawa namang makatakas ng biktima at sinaklolohan ng bumalik na kasintahan.

Kaagad na pumasok sa apartment ang magkasintahan at ikinulong ang kanilang sarili at nag-ingay.

Nang mapansin ng mga kapitbahay ang kaguluhan ay nagpasaklolo sila sa mga barangay tanod na nagresponde sa lugar, kasama ang mga pulis na umaresto dalawang suspek.

Kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1977) ang dalawang pulis.