Nagpositibo muli sa red tide ang San Pedro Bay sa Samar, ayon sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Miyerkules.

Sa laboratory results ng ahensya nitong Marso 21, natuklasan na nagtataglay ng paralytic shellfish poison (PSP) toxin ang nakolektang shellfish meat sample sa Basey sa nabanggit na lalawigan.

"The public has been advised to refrain from gathering, selling, and eating all types of shellfishes and "acetes" or "alamang" as locally known," ayon sa abiso ng BFAR.

"Fish, squid, shrimp, and crabs harvested in these areas are safe to eat provided they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,' dagdag pa ng ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang naglabas ng shellfish bulletin ang BFAR nitong Marso 10 na nagsasabing wala nang bakas ng red tide sa nasabing lugar.

Philippine News Agency