Isang lalaki ang binaril at napatay umano ng kaniyang kainuman matapos silang magkasagutan sa Rodriguez, Rizal nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Gilbert Orubia dahil sa tinamong tama ng bala habang nakatakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa Brgy. San Agustin.

Nauna rito, masaya umanong nag-iinuman ang biktima at suspek nang sa di pa matukoy na kadahilanan ay magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lang umanong nagbunot ng di pa batid na kalibre ng baril ang suspek at kaagad na binaril si Orubia na agaran nitong ikinasawi.

Nang makitang napuruhan ang biktima ay mabilis naman nang tumakas ang suspek, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.