Muling pumutok ang bulkan sa bansang Indonesia na Mt. Merapi, isa sa pinakaaktibong bulkan sa buong mundo, nitong Biyernes ng gabi, Marso 17, at patuloy umanong naglalabas ng lava at abo nitong Sabado, Marso 18.

Sa ulat ng Agence France Presse, sinabi ng volcanology agency ng Indonesia nitong Sabado na asahang magkaroon ng pagkagambala dahil sa mga abo ng bulkan dulot ng pumutok na Mount Merapi.

"Please be on alert for the danger of volcanic mudflow, especially when it rains around Merapi," saad nito.

Matatandaang pumutok din ang Mt. Merapi noong nakaraang linggo na siyang naging dahilan para matakpan ng abo ang mga kabahayan ng mahigit walong kalapit-barangay.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

BASAHIN: Bulkang Merapi sa Indonesia, pumutok; kabahayan, natakpan ng abo

Ang Merapi ay nasa pangalawang pinakamataas na antas ng alerto mula noong 2020 kasunod ng pagtaas ng aktibidad ng bulkan at ang mga awtoridad ay nagtatag ng restricted zone na pitong kilometro mula sa summit.

Isinailalim ang Merapi sa pangalawang pinakamataas na alert level mula taong 2020 matapos ang pagtaas ng volcanic activity nito at magtatag ang mga awtoridad ng restricted zone pitong kilometro mula sa tuktok ng bulkan.

Naitala naman umano ang huling malakas na pagputok ng nasabing bulkan noong 2010 kung saan mahigit 300 indibidwal ang nasawi at halos 280,000 mga residente ang napilitang lumikas.

Matatagpuan ang bansang Indonesia sa Pacific “Ring of Fire” at mayroong halos 130 aktibong mga bulkan.