Ipinagbabawal muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pag-ani ng mga shellfish sa coastal waters ng Bohol, Zamboanga del Sur at Surigao del Sur matapos magpositibo sa red tide.

Sa Facebook post ng BFAR nitong Marso 17, kabilang sa apektado ng red tide ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga sa Surigao del Sur.

Sa pagsusuri ng BFAR, natuklasang nagtataglay ng Paralytic Shellfish Poison ang mga sample ng shellfish na nakolekta sa mga naturang lugar.

"All types of shellfish andAcetes sp.or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption," ayon sa abiso ng ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"However, fish,squids, shrimps, and crabs are safe to eat as long as they are fresh, washed thoroughly, and their internal organs such as gills and intestines are removed prior to cooking," dagdag pa ng BFAR.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na ligtas nang kainin ang mga shellfish mula sa coastal waters ng Milagros sa Masbate nang magnegatibo sa red tide.