Apat na araw na suspendido ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mahal na Araw.

Sa abiso ng MRT-3, kanselado muna ang biyahe ng MRT-3 mula Huwebes Santo (Abril 6) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 9).

Ito'y upang bigyang-daan ang taunang Holy Week maintenance activities ng rail line.

"MRT-3 operations will be suspended from Holy Thursday, April 6, until Easter Sunday, April 9, to give way for the rail line's annual Holy Week maintenance activities," pahayag ng MRT-3.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inaasahang magbabalik ang normal na operasyon ng MRT-3 sa Lunes, Abril 10, 2023.