Tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Baguio City Public Market bandang 11:00 ng gabi nitong Sabado, Marso 11.

Ayon kay City Fire Marshal Supt. Marisol Odiver, nagsimula ang sunog sa Block 4 extension area sa wagwagan section malapit sa chicken livestock.

Idineklara umano ang "fire out" bandang 4:38 ng madaling araw nitong Linggo, Marso 12.

Sa ulat ng Baguio City Public Information Office, winasak ng nangyaring sunog ang kabuuan ng Block 4, maging ang malaking bahagi ng Block 3 at caldero section ng public market.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa kanilang inisyal na pagtataya ay aabot umano sa mahigit kumulang P24-milyon ang naging pinsala nito.

Patuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung paano nagsimula ang nasabing sunog.