Nagkaroon na ng pagkalat ng African swine fever (ASF) sa Cebu, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules.

Kinumpirma ng DA na nagpositibo sa ASF ang 58 sa 149 blood samples na nakuha nila sa Carcar sa lalawigan.

Sa pahayag naman ng Bureau of Animal Industry (BAI), sinuri ang mga blood samples gamit ang Real-time Polymerase Chain 

Reaction.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"The samples were collected in surveillance activities conducted by the City Veterinary Office of Carcar and were initially submitted to the Department of Agriculture-Regional Animal Disease Diagnosis Laboratory 7 for ASF testing using RT-PCR wherein some samples tested positive," pagdidiin ng BAI.

Kaugnay nito, sinabi ng BAI na ipinadala na sa lugar ang mga tauhan ng Carcar City Veterinary Office at Provincial Veterinary Office ng Cebu upang alamin ang lawak ng hawaan.

Gumagawa na rin ng hakbang ang DA upang makontrol ang paglaganap ng sakit.