NUEVA ECIJA -- Sumuko sa otoridad ang dating miyembro ng New People's Army (NPA) noong Biyernes ng hapon, Marso 3, ayon sa Nueva Ecija Provincial Police Office.

Kinilala ang dating rebelde na si Ka Zander, 24, tubong Poblacion Estancia, Iloilo City, at kasalukuyang naninirahan sa Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan, na dating miyembro ng Gerilya Front ng Narciso Sub-Regional Military Area 4A4.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagsagawa ng Special Intelligence Operation ang otoridad na naging dahilan ng boluntaryong pagsuko ni Ka Zander. 

Isinuko rin ng dating rebelde ang cal.45 pistol na may lamang anim na ammunition, mga dokumento kabilang ang Kursong Masa (ESKUM), Lipunan at Rebolusyong Pilipino, at Batayang Kursong Pampulitika.

Samantala, makatatanggap ng cash incentive, livelihood program, medical, educational, pabahay at legal assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).