Nakatakda nang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Binanggit ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, nakipagpulong na sila sa ilang mambabatas upang talakayin ang maayos na pagpapatupad ng naturang programa.

Nakatakdang ilagay sa ikatlong lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue ang sinasabing exclusive motorcycle lane.

Ang unang dalawang lane ay inilaan para sa mga bisikleta at public utility vehicles (PUVs).

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Matatandaang inaprubahan ng Metro Manila Council noong Oktubre 2022 ang panukala upang maiwasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo.