MAUBAN, Quezon -- Patay ang isang senior citizen na binaril ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakatayo malapit sa kalsada sa Barangay Baao, nitong Sabado ng umaga, Pebrero 25 sa bayang ito.

Sa ulat ng Mauban Police, kinilala ang biktima na si Fernando Ibonia Sr., 70, residente ng Barangay Sto. Angel na naturan bayan.

Bandang alas-8:30 ng umaga, nakatayo sa tabing kalsada ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang bahagi ng ulo, saka tumakas.

Dinala ang biktima sa Mauban District Hospital ngunit ilang minuto ay idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Edwin Aguirre.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Iniimbestigahan ng Mauban police ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng tumakas na suspek.