BAGUIO CITY – Muling nasaksihan ang pagbabalik ng Panagbenga Festival sa lungsod sa ginanap na engrandeng street dancing parade nitong Sabado umaga.

Dakong 6:00 pa lang ng umaga, nakapila na ang mga manonood sa gilid ng Session at Harrison Road para sa cultural at festival performances ng mga kalahok.

Nasa 32 contingents ang lumahok sa pagbabalik ng pagdiriwang, matapos ang tatlong pagpapaliban dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019.

Kabilang sa mga lumahok ang apat na elementary drum and lyre students mula sa Lucban, Dona Jose Carino, Baguio Central at Tuba Elementary Schools.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Labing-pito ang lumahok sa kategoryang pangkultura, kabilang ang mga contingent mula sa Cordillera--angAm-among Chi Umili, Sakusak Musical Ensemble, Tumadek Cultural Group, BENHS Dance Club, Labban di E-lagan Indigenous Peoples Organization, Saeng Ya Kasay Cultural Ensemble, U. Youth Organization Cultural Group, Bicas Di Litagwan, Sumikad Ya Tattawi Cultural Group, Chum-No Cultural Group, Panajew ni Ibagiw, Salibi Culural Group,Joaquin Smith National High School Cultural Dance Group, Bunak Shi Shuntog Cultural Performing Group, Sadanga Student Association for Peace and Development at Uggayam Turayan Cultural Group.

Sa festival street dance category ay 11 ang kalahok na kinabibilangan ng San Jose School of La Trinidad Drum and Lyre, Narvacan Naisangsangayan,LGU Narvacan ng Ilocos Sur; University of the Cordilleras, Tribu Ecijanos, ng Bongabon,Nueva Ecija; Elyu Street Dancers, ng La Union; Pinsao National High School Dance Troupe, Tribu San Carlos Street Dancers,ng San Carlos City,Pangasin; Saint Louis University, Namacpacan Street Dancers, ng Luna,La Union; Tribu Rizal at Kalinga Lumin-awa ng Tabuk City,Kalinga.

d