June 01, 2026

Home BALITA Probinsya

Hiker na nahulog sa Mt. Apo dahil sa selfie, ligtas na!

Hiker na nahulog sa Mt. Apo dahil sa selfie, ligtas na!
Photo courtesy: Mt. Apo archives

Matagumpay na naiahon ng rescuers ang isang 37 taong gulang na babaeng hiker na nahulog sa bangin sa Mt. Apo noong Sabado, Mayo 30, 2026.

Ayon sa mga ulat, binabaybay ng biktima at kapuwa hikers ang Kapatagan-Digos  trail nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing umakyat umano ang babae sa isang malaking bato para doon mag-picture. Subalit matapos ang picture taking, ay bigla umanong umihip ang malakas na hangin dahilan upang mawalan ng balanse ang baabe at mahulog sa bangin.

Tinatayang nasa 30 metro ang taas ng bangin na kinahulugan ng biktima.

Sa tulong ng mga mountain guide at volunteer climbers, agad silang nagsagawa ng rescue operation.

Probinsya

Ika-12 biktima, narekober sa pagguho sa Pampanga; disinfection at sanitation, kasabay ng operasyon

Mabilis ding sumaklolo ang Bureau of Fire Protection (BFP) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Digos upang masagip ang biktima.

Dahil sa hirap ng trail at lalim ng kinahulugan ng biktima, tumagal na halos limang oras ang paghanap at pagsagip sa kaniya mula sa bangin.

Samantala, nitong Lunes, Hunyo 1 nang kinumpirma ng mga awtoirdad na nasa maayos nang kalagayan ang bitima. Nagtamo siya ng mga injury sa ulo, likod at balikat habang patuloy siyang mino-monitor sa ospital.