Higit 245 milyong taon, pinaniniwalaang nabuhay ang dinosaurs at sa mga nagdaang dekada, ang mga paleontologo ay nakahanap ng mga labi nito sa pitong kontinente sa mundo.
Ayon sa pag-aaral ng American Museum of Natural History (AMNH), isa sa mga teorya ng mga eksperto sa likod extinction o pagkaubos ng dinosaurs ay ang pagtama ng malaking asteroid o comet sa planetang Earth, na humarang sa liwanag ng araw.
Ito ay nagdulot ng pagbabago sa klima at malawakang wildfires sa iba’t ibang panig ng mundo.
Gayunman, ang mga sumusunod na hayop, na nakikita pa rin sa kasalukuyan, ay pinaniniwalaang kamag-anak o nagmula sa uri ng mga na-wipe out na dinosaurs daang taon na ang nakararaan:
Crocodiles
Ang crocodiles o mga buwaya ay pinaniniwalaang may kasaysayan sa grupo ng dinosaurs na “archosaurs” o “ruling reptiles” na nabuhay sa Early Triassic period, 250 milyong taon nakararaan.
Batay sa ilang lathala, ang kauna-unahang crocodalian ay nag-evolve sa kasagsagan the Late Cretaceous perio, 95 milyong taon nakararaan.
Ang mga buwayang nakikita sa kasalukuyan ay pinaniniwalaang nagmula sa prehistoric alligators tulad ng Deinosuchus, na predators na nakatira sa katubigan at mayroong matibay na buntot at maraming ngipin.
Birds o Ibon
Kinikilala bilang “living dinosaurs,” ang mga ibon ay pinaniniwalaang nagmula sa grupo ng dinosaurs na “Theropods,” na kinabibilangan ng Tyrannosaurus rex (T.Rex) at Velociraptors, na nakilala dahil sa pelikulang “Jurassic Park.
Ang mga ibon na makikita sa kasalukuyan ay pinaniniwalaang namana ang kanilang bipedalism o two-leggedness mula sa Theropods, at natutong lumipad bilang parte ng kanilang ebolusyon gamit ang kanilang itaas na bahagi ng katawan.
Sharks o Pating
Bagama’t pinaniniwalaang mas nauna pa sa mundo ang mga pating, ang mga sinaunang uri nito ay pinaniniwalaan ding nabuhay noong Silurian period, 450 milyon ang nakararaan.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga pating ay nakaligtas sa “major extinction” sa mundo, kumpara sa dinosaurs.
Dahil dito, may ilang uri ng pating na maituturing na higante sa karagatan tulad ng Megalodon, gayundin ang mga mayroong kakaibang hugis at features tulad ng Hammerhead sharks, Helicoprion, at Stethacanthus.
Sea Turtles o Pagong
Ang mga pagong ay kabilang sa Testudine group ng mga reptilya, kasama rito ang tortoise at terrapins, na matatagpuan sa iba’t ibang kontinente, bukod sa Antartica.
Katulad ng mga pating, ang mga pagong ay nakaligtas sa “major mass extinction” sa kasagsagan ng “Tri-assic” period at “Cretaceous” period na pinaniniwalaang umubos sa dinosaurs.
Ayon sa ilan pang eksperto, ang shell ng mga pagong ay matibay at matigas dahil matapos ang pinagdaanang mass extinction, mas lumawak pa ang naabot ng mga pagong sa kanilang kapaligiran.
Lizards o Butiki
Ang mga butiki ay pinaniniwalaang mayroong genetic trait na namana sa dinosaurs dahil sa kanilang kakayahang mangitlog, gayundin ang itsura ng kanilang mga paa, na nasa gilid ng katawan.
Bukod pa rito, depende sa sitwasyon, ang mga butiki ay may kakayahang lumangoy, maglakad sa tubig, gumapang sa puno, lumambitin sa mga kisame, at muling patubuin ang kanilang buntot, na pinaniniwalaang parte ng kanilang ebolusyon matapos ang mass extinction sa mundo.