Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ngKanlaon at Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa pahayag ng Phivolcs, naitala ang tatlong pagyanig ng Kanlaon Volcano habang dalawa naman sa TaalVolcano sa nakaraang 24 oras.

Gayunman, walang ibinugang nakalalasong usok ang Kanlaon.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Phivolcs ang paglapit at pagpasok sa ipinaiiral na 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil posibleng magkaroon ng phreatic explosions.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umabot naman sa 1,200 metro ang taas ng ibinugang usok ng bulkang Taal at napadpadsa timog kanluran.

Dahil dito, binalaan ng ahensya ang publiko sa inaasahang ashfall sa mga lugar sa palibot ng bulkan.

Matatandaang libu-libong residente ang inilikas matapos magpakawala ng makapal na abo ang Taal nitong Mayo 2022.

Naalerto naman ang mga residente sa paligid ng Kanlaon nang magbuga ng makapal na abo ang bulkan nitong Pebrero 10, 2022.