Dalawang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa kinakaharap na kasong rape ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa Rizal at Quezon kamakailan.

Nasa kustodiya na ng pulisya sinaRonaldo Zonio Fuentes, alyas "Ron Fuentes" at taga-Sitio AC, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal, at Chester Allan Mecina Tan, 42, taga-Brgy. 1, Lucena City, Quezon.

Unang inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Fuentes sa Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal nitong Pebrero 22 dakong 1:20 ng hapon, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Regional Trial Court (RTC) Branch 75 JudgeMaria Beatrice Alvarez Caunan, ng San Mateo, Rizal sa kasong qualified rape.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ni Fuentes.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dakong 3:00 ng hapon ng Miyerkules, dinakip naman si Tan sa Lucena City, Quezon sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Agripino Roxas Bravo, ng RTC Branch 55, Lucena City, Quezon, sa kasong panggagahasa. Wala ring inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Tan.