NASUGBU, Batangas- Nakuryente ang isang 32-anyos na online seller matapos hawakan ang steel matting cover ng isang tindahan habang bumibili ng sigarilyo noong Sabado ng gabi, Pebrero 18 sa sitio Centro, Barangay Calayo sa bayang ito.

Kinilala ng Nasugbu Police ang biktima na si Zharinne Kim de la Cruz, at residente ng Smith Street, Quirino Taft, sa Malate, Manila.

Sinabi sa inisyal na imbestigasyon na dakong 6:45 ng gabi bumibili ng sigarilyo ang biktima sa sari-sari store na pag-aari nina Morena Baral, 32, at Janeth Limboc, 37, at kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nahawakan ng biktima ang front steel matting cover ng tindahan at aksidenteng nakuryente ito na naging sanhi upang matumba at bumagsak sa lupa at nawalan ng ulirat.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isinugod siya sa Jabez Medical Center subalitbinawian ng buhay habang ginagamot.