Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repairs sa Makati City ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kukumpunihin ng DPWH ang C-5 Road Southbound (1st lane) mula ngayong Biyernes, Pebrero 17, hanggang sa darating na Lunes, Pebrero 20.

Sisimulan umano ang road reblocking at repairs mamayang 11:00 ng gabi.

Bubuksan naman ang nasabing kalsada sa Lunes, Pebrero 20 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa ngayon ay pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.