Dinakma ng pulisya ang isang 39-anyos na miyembro ng communist terrorist group na matagal nang pinaghahanap ng batas sa Malita, Davao Occidental kamakailan, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nakapiit na sa Malita Municipal Police Station si Jonathan Palacay Macaraba, alyas "Bagwis" matapos maaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Carmelita Sarno Davin ng 11th Judicial Region, Branch 20, Malita, Davao Occidental, sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na naamyendahan ng Republic Act 10364 (Anti-Trafficking in Person Act of 2003).

Inirekomenda ng korte ang ₱200,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Inaresto si Macaraba sa pinagtataguan nito sa Barangay Pinalpalan, Malita, nitong Pebrero 14, ayon pa sa pulisya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar