KAMPO VICENTE LIM --  Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng gobyerno ang  lider ng New People's Army (NPA) na may apat na kaso noong Biyernes, Pebrero 10, sa Brgy. Tagumpay sa bayan ng Bay.

Kinilala ng Police Regional Office 4A ang naaresto na si Acer Obiado Turcedo, alias "Ar-ar," isang platoon leader ng Front Committee-1 Metro sa ilalim ng Samahang Yunit Pampropaganda (SYP)-Buhawi at naka-tag bilang number 3 at 5 Most Wanted Person sa Municipal level ng Matuguinao Municipal Police Station sa Western Samar Police Provincial Office.

Si Turceda ay may apat na kaso ng attempted murder at arson.

Ang pag-aresto sa kaniya ay dahil sa bisa ng warrant of arrest na  ipinatupad ng Criminal Investigation and Detection Group kasama ang Team Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), 4th Platoon, 1st Laguna Provincial Mobile Force Company, PNP-Special Action Force, Laguna Intelligence Unit at Bay Municipal Police sa kampanya laban sa terorismo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Narekober sa suspek ang caliber .45 pistol, isang magazine na puno ng 10 bala, isang hand grenade, at isang sling bag.