Halos ₱1.9 milyong halaga ng illegal drugs ang nahuli sa isang high-value individual sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City kamakailan.

Sa police report, kinilala ang suspek na si Gerald Insigne Dalumpienes, alyas “Gerald,” 27, taga- Purok Bagong Buhay, Brgy. Cotta, Lucena City.

Isinagawa ang pagdakip matapos bentaha ng droga ni Dalumpienes ang isang police poseur-buyer sa Putok Camia, Brgy. 10 ng nasabing lungsod, nitong Pebrero 8.

Nakumpiska ng pulisya ang 91.66 gramo ng shabu na aabot sa ₱1,869,864.00, isang tricycle, belt bag at drug bust money.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Idinagdag pa ng pulisya na nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek.