Pinaigting pa ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagpapatupad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT upang maipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga benepisyaryo nito.

Umabot na 16,888 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na ang nakatanggap ng kanilang electronic land titles o halos 24,000 ektarya na ang naipamahagi simula pa noong nakaraang taon.

Patuloy pa rin ang validation at assessment process ng DAR para mas marami pang benepisyaryo ang makinabang sa mithiin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa mga magsasaka.

Sa pahayag naman ni DAR Secretary Conrado Estrella III, patuloy pa ring ipinatutupad ang proyekto o ang pamamahagi ngcollective certificates of land ownership awards (CCLOAs) sa mga benepisyaryongmagsasaka upang matupad na rin ang pangarap ng mga ito na makapagtanim sa sariling sakahan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, sinabi naman ni DAR Assistant Secretary for Field Operations, SPLIT national director Joey Sumatra, nasa 18,802 e-titles na sumasaklaw sa 23,898 ektarya ang naipamahagi na ng ahensya.

Philippine News Agency