MATAAS NA KAHOY, Batangas — Patay ang isang construction worker habang sugatan ang kanyang katrabaho nang matabunan sila ng gumuhong lupa habang naghuhukay para sa drainage system noong Lunes ng hapon, Pebrero 6 sa Purok 2, barangay Bubuyan, sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Elmerto Tiosan, residente ng Barangay Wawa sa Batangas City, at ang sugatang si Mario Valencia, residente ng Barangay Loob, Mataas na Kahoy, Batangas, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 3:50 p.m., naghuhukay at gumagawa ng drainage system ang mga biktima sa isang bakanteng lote nang biglang bumagsak ang itaas na bahagi ng lupa sa kanila.

Dead on the spot si Tiosan, habang si Valencia ay nailigtas ng mga rumespondeng miyembro ng Barangay Public Safety Office (BPSO) at dinala sa San Jose District Hospital.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga