Maglalaro na sa Portugal ang pinakamatandang football player na si Kazuyoshi Miura.

Nakakontrata na si Miura, 55, sa Portuguese second division club na Oliveirense nitong Miyerkules ilang linggo bago sumapit ang kanyang ika-56 na kaarawan sa Pebrero 26.

Dati siyang naglaro sa Yokohama FC sa Japan kung saan nakilala bilang "King Kazu" at naging mukha ng J League nang ilunsad ito noong 1993.

Nagsimula ang kanyang football career sa Brazilian team na Santos noong 1986.

VP Sara, magdiriwang ng birthday sa The Hague: 'Nag-promise ako sa mga magulang ko'

Sa kabila nito, plano pa ni Miura na maglaro hanggang sa maabot nito ang edad na 60.

Dati nang bumalik sa Europa si Miura mula sa Japan noong 1999 at pumirma ito sa Dinamo Zagreb sa Croatia.

Ilang beses siyang nakapag-uwi ng titulo sa Japan at Croatia.

Naglaro na rin siya sa Japanese national team sa pagitan ng 1990 at 2000 at nakaiskor ito ng 55 goal sa 89 na international appearance nito.

Philippine News Agency atAgence France-Presse