Nasamsam ng mga awtoridad ang ₱69 milyong halaga ng shabu sa operasyon sa Barangay Jubasan, Allen, Northern Samar nitong Enero 31.

Sa police report, isinagawa ang operasyon sa tulong ng Coast Guard K9 Force at Coast Guard District Eastern Visayas.

Sampung bloke ng shabu ang nasabat kay Mangayao Lapan Mitomara, taga-Paliparan, Dasmarinas, Cavite, sa nasabing lugar.

Nakapiit na sa Allen Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Iniimbesigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.