Tatlong high-ranking official ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) ang natimbog ng pulisya sa General Santos City nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang mga ito na sina Ruben Saluta, secretary ng National Propaganda Commission of the CPP Central Committee at dati ring kalihim ng Panay Regional Party Committee (PRPC) ng NPA; Presentacion Cordon Saluta, lider ng Komiteng Rehyonal Panay (KR- Panay) at Yvonne Losaria, pinuno ng Sentro-De-Gravidad, Guerrilla Front 35, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, Brig. Gen. Romeo Caramat, nakatanggap sila ng impormasyon na namataan ang grupo ng mga rebelde sa Phase 5, Doña Soledad, Barangay Labangal, General Santos City.

Hindi na nakapalag ng tatlo nang dakpin sila ng pulisya. 

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matagal nang pinaghahanap ng batas si Ruben dahil sa patung-patong na kasong murder.

Nahaharap naman sa kasong rebellion si Presentacion habang si Losaria ay may warrant of arrest sa kasong rebellion.

Kumpiskado sa kanila ang tatlong M16 rifle, isang M14 rifle, isang carbine, iba't ibang uri ng bala, granada, ilang mobile phones, laptop at iba pang dokumento.

Philippine News Agency