Matapos ang mahigit dalawang dekadang pagtatago sa batas, naaresto na rin ng pulisya sa Bulacan ang isang dating pulis na akusado sa pagpatay kay PR (public relations) man Salvador "Bubby" Dacer at sa driver nito na si Emmanuel Corbito noong 2000.

Nakapiit na ngayon saNational Capital Region Police Office-Regional Special Operations Group (NCRPO-RSOG) detention facility ang akusado na si datingSPO1 William Reed, 57.

Natimbog si Reed matapos salakayin ng mga pulis ang hideout nito sa Barangay Poblacion, Pulilan, Bulacan nitong Enero 22, dakong 1:10 ng hapon.

Sa report ng NCRPO, isinagawa ang pagdakip batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni dating Manila Regional Trial Court Branch 41 Judge Rodolfo Ponferrada sa kasong double Murder kaugnay sa pagpatay kina Dacer at Corbito sa Makati City noong Nobyembre 24, 2000.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ni Reed.