Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa sa tatlong pulis na itinuturong dumukot sa isang online cockfighting master agent sa Laguna noong 2021.

Sa pahayag niPhilippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) chief,Brig. Gen. Warren de Leon, sina dating PatrolmanRigel Brosas at Staff Sgt. Daryl Paghangaan, dating nakatalaga sa Calabarzon Police Office,p sumurender saPNP-IMEG-4A nitong Huwebes.

Sumuko ang dalawa kasunod na rin ng ipinalabas na warrant of arrest ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 29 nitong Enero 17.

Dakong 2:45 ng hapon nang sumurender si Brosas at matapos ang ilang oras ay sumunod naman si Paghangaan, ayon kay de Leon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Itinakda ng korte ang piyansang₱400,000 sa bawat isang akusado sa kasong robbery. Gayunman, no bail ang inirekomenda ng hukuman sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Nag-ugat ang kaso nang dukutin umano nina Brosas at Paghangaan si Ricardo Lasco sa loob ng bahay nito sa San Pablo City, Laguna noong Agosto 30, 2021.

Nagpakilala umanong mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa, kasama ang si Patrolman Roy Navartete nang isagawa ang krimen.

Bago tumakas, tinangay pa umano ng tatlo ang mga alahas at cash na nakatago sa vault na may kabuuang halagang₱10 milyon, ayon sa reklamo ng live-in partner ni Lasco na si Princess Montanez.

Mula nang dukutin si Lasco na master agent ng WPC Online Sabong ay hindi na ito nakita pa o nakausap ng kanyang pamilya.

Aaron Recuenco