Inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at anak nito na si Marco Martin Cam, sa kasong murder, kaugnay sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

Bukod sa mag-inang Cam, pinawalang-sala rinni Judge Dinah Aguila-Topacio, ng Manila RTC Branch 42, ang limang iba pa matapos na mabigo ang prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya laban sa mga ito.

Nag-ugat ang kaso nang paslangin si Yuson habang nag-aalmusal sa canteen ng kanyang kapatidsa Sampaloc, Maynilanoong Oktubre 9, 2019.

Kaugnay nito, dismayado naman ang anak ng nasawing Vice Mayor na si Batuan Mayor Charmax Jan Yuson sa naging desisyon ng korte.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nakatakda namang maghain ng motion for reconsideration sa hukuman ang pamilya ni Yuson.