ALICIA, Isabela - Patay ang isang driver nang sumalpok sa isang truck ang minamanehong ambulansya sa Barangay Salvacion sa nasabing bayan nitong Biyernes.

Dead on arrival sa Cacal Medical Hospital si Jurezz Mark Perpetua, taga-Bagong Silang, Caloocan City, dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.

Sa paunang imbestigasyon ni Alicia Municipal Police investigator Staff Sgt. Rolando Cagurangan, Jr., binabagtas ng ambulansya ang Alicia-San Mateo Road patungong San Mateo, Isabela nang biglang bumangga sa likod ng isang elf truck na may kargang 120 sakong hog pellets at minamaneho ni Jose Cabauatan, Jr., taga-Brgy. Babaran, Echague, Isabela.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawalan ng kontrol ang driver ng truck hanggang sa mahulog ito sa palayan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Iniimbestigahan pa pulisya ang kaso upang madetermina kung may pananagutan si Cabauatan.