Kampante ngayon pa lang si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup sa patikim na pasabog ng manok ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.

Ito nga ang sentro sa mensahe ni Shamcey at kapwa MUP sister para sa potensyal na ikalimang korona ng bansa sa balang si Celeste, isang linggo bago ang final competition.

View this post on Instagram

A post shared by Shamcey Supsup (@supsupshamcey)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I have nothing but love and admiration for our very own @celeste_cortesi,💗💗💗” ani Shamcey.

“The weeks leading up to the pageant had been tough but through the ups and downs she has shown bravery, humility and authenticity,” pagmamalaki ni MUP exec sa delegada ng bansa.

Litaw na litaw at kapansin-pansin ang on-point na fashion taste ng Pinay-Italian beauty sa kompetisyon. Dagdag nito, napansin na rin ng maraming Pinoy pageant fans ang husay ng pakikipagtalastasan ni Celeste bago ang inaabangang preliminary interview.

Samantala, agad na nagpaabot na rin ng pasasalamat si Shamcey kay Celeste sa pagtitiwala nito sa kanilang team.

“I have complete faith that you will bring honor and pride to the Philippines,” ani Shamcey.

“To all her fans and supporters, please continue to pray for Celeste as she fulfills her destiny!” pagtatapos na paghihikayat niya sa masugid na Pinoy fans.

Basahin: Online icon Senyora, tinapatan, ikinampanya na si Celeste Cortesi para sa Miss Universe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agad namang nagpasalamat si Celeste sa pagiging hands-on ng national director.

“Aww thank you Shamcey 💙 I have the best team, I am the luckiest 🫶🏼” aniya.

Basahin: Early favorite? Celeste Cortesi, bida sa socmed ng isang cosmetic boss para sa Miss Universe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayon pa lang, aprub na kay Shamcey ang ipinapakitang awra ng Pinay delegate sa kompetisyon.

“@celeste_cortesi you are doing very well! Can’t wait to shout my heart out in NOLA. See you soon,” saad ni Shamcey.

Nakatakda namang lumipad na rin sa New Orleans si Shamcey para samahan ang Team Philippines para lalo pang suportahan si Celeste.

Sa darating na Enero 14 gaganapin ang coronation night ng 71st Miss Universe.