Tatlo pang high-ranking official ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang naaresto sa  Calatravam, Negros Occidental nitong Biyernes ng gabi.

Sa report ng 79th Infantry Battalion (79IB) ng Philippine Army nitong Sabado, kinilala ang tatlo na sina Felix Susas Jr., alyas "Rigor/Budok," secretary ng Northern Negros Front (NNF) at dating commanding officer njg Regional Security Force-Komiteng Rehiyon Negros; Cherryl Catalogo, alyas "Celo," NFF education staff; at Jalen Susas, alyas "Cristel/Izumi/Cg," NFF medical at education staff.                 

Ang mga ito ay inaresto ng 79IB, Regional Mobile Force Battalion 6, 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company ng 6th Special Action Battalion, Philippine National Police-Special Action Force, at mga tauhan ng Calatrava at Toboso Police, sa Sitio Pinamactinan, Barangay Cambayobo.

Nasamsam sa tatlo ang dalawang Cal. 45 pistol na may dalawang magazine at mga bala; isang 9mm pistol na may magazine at mga bala; apat na rifle grenades; at mga personal na gamit.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa rekord ng mga awtoridad, may warrant of arrest si Felix Susas sa Guihulngan City Regional Trial Court Branch 64 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Nahaharap din umano si Susas sa kasong homicide sa Silay City.

Dalawang murder case naman ang kinakaharap ni Jalen Susas sa hukuman kaugnay sa pagkamatay ni Renato Estrebillo sa Barangay Marcelo noong Agosto 12, 2022, at Brgy. Lalong chairperson Benjamin Javoc noong Agosto 26, 2022.

Philippine News Agency