Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dulot na rin ng namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Visayas nitong Huwebes.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang MIMAROPA (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Posibleng magkaroon ng flash flood at landslide sa mga nabanggit na lugar, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA 185 kilometro kanluran ng Catbalogan City, Samar o nasa 50 kilometro silangan ng Roxas City sa Capiz.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inaasahan din ang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) dahil naman sa amihan o northeast monsoon.