Hindi takot na yakapin ang kaniyang edad si beauty-queen-turned-actress Lara Quigaman na nagdiriwang ng kaniyang ika-40 kaarawan nitong Martes, Enero 3.

Ito ang flex ng celebrity mom at aktres na looking young pa rin sa mga serye ng mga larawan sa Instagram nitong Martes.

Basahin: Lara Quigaman, nagbalik-tanaw sa kaniyang pageant journey: ‘Nothing happens by mistake’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sooooo happy to be 40 🤍 I really am not afraid or ashamed of growing older, because not everybody is given that privilege... I am truly truly grateful, excited, giddy even every year on my birthday, knowing that each day is a gift 🙏 Thank you Lord for another year,” mababasa sa caption ni Lara sa naturang IG post.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kasabay ng kaniyang pagdiriwang sa espesyal na okasyon ang pagbuhos naman ng pagbati ng mga kaibigan sa showbiz at pageant industry.

Kabilang sa mga nagpaabot ng well-wishes sina Miss International Philippines 2021 Hannah Arnold, Dimples Romana, Miss Intercontinental 2021 Cinderella Obenita, Arlene Muhlach, Kakai Bautista bukod sa iba pa.

“Happy birthday Ms Lara 😍 thank you for inspiring us ❤️ May all your wishes come true!!” pagbati ni Hannah.

“40 never looked this good! ❤️ Happy birthday to my dearest dilaaaag! Love you forever!” sey ni Dimples.

“We have the same birthday, Ms. @laraquigaman OMG ❤️ Wishing you everything your heart desires. Thank you for taking good care of us in our Binibini journey,” ani Cindy.

“HAPPY BIRTHDAY BEAUTS!!!!! LOVE U!!! @laraquigaman 😍” pagbati rin ni Kakai.

“Happy birthday!!!!🎂🎉🎁🎈” komento ni Arlene Muhlach.

Basahin: Netizen, tinaningan ang relasyon nina Marco Alcaraz at Lara Quigaman; aktres, bumuwelta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bago nito, isang serye ng photoshoot din ang ibinahagi ni Lara kasama ang asawang si Marco Alcaraz noong Linggo, Enero 1, bilang pag-alala sa ika-11 anibersaryo ng kanilang kasal.