Sumuko sa pulisya ang apat na miyembro ng New People's Army (NPA) saZamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur kamakailan.

Kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan sinaRonald Langcunoy, 26; Ericjun Zacarias, 24; Ronilo Malig, 33; at Darlyn Montemayor, 22.

Sinabi niArea Police Command-Western Mindanao operations chief Col. Richard Verceles, sumuko si Langcunoy sa mga awtoridad saBarangay Lumbog in Imelda town, Zamboanga Sibugay nitong Huwebes ng hapon.

Si Langcunoy aniya ay dating supply courier at cook ngNPA Main Regional Guerrilla Unit (MRGU), Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sumurender naman aniya sinaZacarias at Malig sa municipal hall ng San Miguel sa Zamboanga del Sur nitong Huwebes at isinuko ng dalawa ang isang Cal. 38 revolver.

Sa pahayag nina Zacarias at Malig, pumasok sila saNPA Guerrilla Front Kara-WMRPCbilang spy at courier.

Nagpasya namang sumuko ni Montemayor sa municipal hall ng Guipos sa Zamboanga del Sur nitong Huwebes ng hapon.

Nakatakdang pagkalooban ng financial assistance ang apat na rebelde para sa kanilang pagbabagong-buhay.

Philippine News Agency