Isang babae at ama nito ang nalunod sa isang beach sa Bauang, La Union kamakailan.

Sinabi ng pulisya, isang 26-anyos ang babae habang nasa 67-anyos ang ama nito, kapwa taga-Bakakeng, Baguio City.

Sa imbestigasyon ng Bauang Municipal Police Station, nagkayayaan ang mag-ama na mag-outing sa beach sa Brgy. Baccuit Sur nitong Disyembre 26.

Naliligo na ang dalawa sa dagat nang biglang tangayin ng malakas na alon ang babae.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tinangkang sagipin ng ama ang anak, gayunman, nalunod din ito, ayon pa sa pulisya.