NASUGBU, Batangas — Natagpuang bangkay ang dalawang lalaki nang malunod ang mga ito sa dagat sa Brgy. Calayo ng bayang ito noong Martes ng hapon, Disyembre 27. 

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Aldrin Siringan, 20, college student, residente ng Veteran's Village, Pasong Tamo, Quezon City at Marvin Sid-ay, 23, residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nabatid na natagpuan ng mga residente na nakalubog sa baybaying dagat ang bangkay ng dalawang lalaki at iniulat ngNasugbu Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa pulisya.

Sa pagsisiyasat, noong Disyembre 26 dakong ala-1 ng hapon, kasama ng mga nasawi ang mga kaibigan na sinaChristine Fernandez, Charlie Lipura at Andrea De Guzman na patungo saTatay Narsing Beach Resort para sa kanilang outing at habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan napansin ng mga kaibigan ng biktima na wala sa kabilang umpukan ang dalawa dakong alas-4 Ng hapon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa puntong ito iniulat nila sa opisyal ng barangay ang pagkawala ng mga biktima na agad naman nakipag-ugnayan sa MDRRMO at sa lokal na istasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng search and rescue operation.