Inanunsyo ngMalacañang nitong Sabado na mayroon nang libreng Wi-Ficonnection ang mga liblib na lugar sa bansa upang mapakinabangan ng mga estudyante at guro.

Sa Facebook post ng Office of the Press Secretary (OPS) nitong Sabado, binanggit na bahagi lang ito ng“BroadBand ng Masa Program” (BBMP) na mapakikinabangan ng mga lugar na mahirap maabot ng serbisyo ng gobyerno.

Binanggit sa nasabing social post, nagkaroon ng surprise appearance si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa isang "Online Kumustahan" na inilatag ng Department of Information and Communications Technology (DICT), kung saan nakausap ng Pangulo ang mga estudyante at guro mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).

“Thank you po sa DICT… Merry Christmas, Mister President,” sabi ng isa sa public school teacher sa Palawan nang dumalo ito sa nasabing online gathering.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Tiniyak naman ng Pangulo na saklaw ng programa ang lahat ng lugar sa bansa, lalo na ang mga walang access sa mobile cellular services.

“Yung mga malalayo, ‘yan ang mas kailangan. Lalo na ‘yung mga bata, para sa kanilang eskwela. Buti na lang, maraming bagong teknolohiya na pwedeng gamitin, na we’re taking full advantage of,” banggit pa ng punong ehekutibo.