CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga -- Boluntaryong sumuko ang 10 dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa awtoridad ayon sa ulat nitong Huwebes, Disyembre 22.

Sa Bataan, tatlong miyembro ng Anakpawis-Bulacan chapter ang boluntaryong sumuko at itinurn over ang Colt Cal. 45 na walang serial number at dalawang ammunition.

Pinangunahan ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army ang boluntaryong pagsuko ng mga dating miyembro ng New People's Army (NPA) na nagsuko rin ng revolver cal.38, live ammunition, at MK2 hand grenade. 

Sa Tarlac naman, pinangunahan ng Philippine Army ang boluntaryong pagsuko nina Ka Ronnie, Ka Mely, na mga dating miyembro ng Milisyang bayan at Ka Karab-as, na dating miyembro ng Anak Pawis.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Itinurn over din nila ang mga homemade shotgun na walang serial number, cal. 38 revolve, at dalawang rifle-propelled grenades (RPGs).

Sumuko rin ang mga dating miyembro ng CFO Anakpawis at Gabriella na sina alyas "Sonny" at alyas "Lara" sa pulisya at isinuko rin ang homemade caliber .38 revolver na may ammunition.

Sa Zambales, pinangunahan ng 2nd Provincial Mobile Force ang pagsuko ng dating underground organization member na kinilala na si alyas "Amparo."