June 06, 2026

Home BALITA National

Mangga at peluka, sokpa sa maletang dala ni Rep. Terry Ridon!

Mangga at peluka, sokpa sa maletang dala ni Rep. Terry Ridon!
Photo courtesy: HOR

Ibinida sa publiko ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang laman na mga mangga at peluka ng inilabas niyang maleta para tuligsain ang mga alegasyong binabato laban sa kaniya. 

Isa si Ridon sa mga pinangalanan ng 18 ex-Marines sa kanilang joint affidavit na nadalahan umano nila ng male-maletang naglalaman ng milyon-milyon salapi sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ng Cayetano bloc noong Huwebes, Hunyo 4, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Lahat na lang may maleta... e 'di kayo na!' Rep. Ridon, tumirada sa 18 ex-Marines

Sa naging pahayag ni Ridon sa isinagawa nilang “Saturday News Forum” sa Kamara nitong Sabado, Hunyo 6, sinabi niyang hindi raw laging naglalaman ng pera ang lahat ng maleta bagkus maaari daw minsan na magkalaman ito ng mangga at peluka. 

“Para tapusin na ‘yong kasinungalingan sa maleta, meron po tayong dalang maleta ngayong araw po na ito. Hindi po lahat ng maleta, may pera. ‘Yong iba po may mangga at peluka,” pagsisimula niya. 

National

Pangil ng Tulfo? Sen. Erwin bibitbitin, palalayasin si SP Alan sa Blue Ribbon hearing!’

Matapos nito, hayagang inilabas ni Ridon sa forum ang isang itim na maletang literal na naglalaman ng nasabing prutas at wig.

Screenshot mula sa HOR. 

Ani Ridon, hindi raw magpapadala sa ingay ang Kamara at mga miyembro ng House Prosecution Panel kaugnay sa impeachment trial na kakaharapin ni Vice President Sara Duterte sa mataas sa mataas na kapulungan ng Kongreso. 

“The House and the House Prosecution Panel will not be dithered. Hindi kami magpapapgil sa mga kasinungalingan at mga fabricated testimonies ng kung sinoman,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Ridon, hindi raw mauunsyami ang nakatakdang impeachment trial laban kay VP Sara at ilalatag daw nila ang lahat ng mga ebidensyang magpapatibay sa pagpapatalsik sa puwesto ng huli. 

“Tuloy ang impeachment trial. Ilalatag ng Kamara, ilalatag ng House Prosecution Panel ‘yong lahat ng mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte,” diin niya.

“‘Yong AMLC reports, ‘yong NBI reports, ‘yong video documentation ng pagbabanta laban sa Pangulo. Ang usapin po ay pagpapanagot sa Pangalawang Pangulo, wala nang iba,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment trial ni VP Sara, raratsada sa July 6!—Sen. Erwin