Mariing nagbabala si Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Erwin Tulfo kay Senate President Alan Peter Cayetano na personal niya raw bibitbitin ang huli palabas ng session hall kapag muli itong nagsagawa ng SBRC hearing.
Matatandaang itinuloy nina Cayetano, Sen. Pia Cayetano, at Sen. Rodante Marcoleta ang itinakda nilang pagdinig ng SBRC noong Huwebes, Hunyo 4, 2026, kung saan dumalo bilang resource person sina Atty. Levito Baligod at ang 18 ex-Marines.
Sa naging pahayag naman ni Tulfo sa panayam sa kaniya ng isang TV station noong Biyernes, Hunyo 5, idiniin niyang hindi na raw siya papayag na magsagawa ulit ng “pekeng” pagdinig sa SBRC at ipapaaresto niya raw si Cayetano.
“Hindi na po ako papayag na maghe-hearing-hearing-ngan kayo diyan at I will have you arrested,” pagsisimula niya.
Diin pa niya, “I promise.”
Ani Tulfo, huwag daw siyang subukan ni Cayetano dahil tila wala siyang pakialam kahit gaano na katagal ang una sa Senado.
“Kahit na senador ka, kahit na sinasabi mong matanda ka na, ilang taon ka na sa Senado, try me,” aniya.
Hamon ni Tulfo, subukan daw magsagawa ulit ng pagdinig ni Cayetano sa SBRC at ipapahuli niya raw ito kahit tumayo pa itong House Speaker noon at tumatayo bilang Senate President ngayon.
“Magpa-hearing ka ng Blue Ribbon ulit. Magpa-hearing ka. I don’t care kung dati kang Senate President, dati ang Speaker of the House, I don’t give up. Talagang ipapahuli kita,” buwelta niya.
Pagpapatuloy ni Tulfo, kung ayaw raw ni Cayetano na mapaaresto, bibitbitin niya raw ito palabas ng sessino hall ng SBRC dahil siya raw ang lehitimo o tunay na chairperson ng naturang Komite.
“Kung hindi ipapahuli… bibitbitin kita, kukuwelyuhan kita, palalayasin kita sa floor na ‘yan. Because I am the legitimate Blue Ribbon chairman,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Cayetano kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: 'Hindi hearing 'yon kundi gathering!' Sen. Win, bumuwelta sa BRC ng Cayetano faction!