Patay ang isang lalaking senior citizen matapos saksakin ng kapitbahay sa Imus City, Cavite, nitong Martes ng umaga.

Dead on arrival sa Our Lady of the Pillar Hospital sa Imus City ang biktimang si Gerardo Guevarra Inocentes, 61, taga-Rose St., Brgy. Medicion I-C, Imus City, dahil sa saksak sa katawan.

Kaagad namang inaresto ang suspek na nakilalang si Jerry Balderama Magno, 55, ayon kay Cavite Police Provincial Office director, Col. Christopher Olazo.

Sa report ng Imus City Police Station, aalis sana ang biktima at sasakay na sa kanyang bisikleta sa harap ng kanyang bahay nang biglang lapitan ng suspek at saksakin, dakong 1:30 ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matapos ang insidente, kaagad na tumakas si Magno. Gayunman, naaresto rin ito malapit sa Imus Cathedral, dakong 1:30 ng hapon.

Sinabi ng pulisya, dati nang magkaaway ang biktima at ang suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.