Niyanig muli ng lindol ang bahagi ng Abra nitong Lunes ng hapon.
Sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 5:06 ng hapon nang maramdaman ang sentro ng magnitude 5.3 na pagyanig limang kilometro hilagang silangan ng Boliney.
Naitala rin ng Phivolcs ang 45 kilometrong lalim ng lindol na posibleng magdulot ng pinsala at aftershocks.
Naramdaman din ang Intensity 4 saBanayoyo, Ilocos Sur, atIntensity 3 naman sa Baguio City.
Bahagya namang naranasan ang Intensity 2 saPasuquin sa Ilocos Norte.
Ang pagyanig ay dulot ng paggalaw ng fault line malapit sa naturang lugar.
Matatandaang tinamaan ng magnitude-7.0 na lindol ang nasabi ring lalawigan nitong nakaraang Hulyo 27 na ikinasawi ng limang residente at ikinasugat ng 130 iba pa.