Sampu na ang naiulat na nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Muntinlupa City nitong Linggo ng umaga.

Hindi pa isinasapubliko ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagkakakilanlan ng mga namatay sa insidente.

Ayon kay Muntinlupa CityFire Marshal Supt. Eugene Briones, magkakamag-anak ang mga nasawi sa sunog.

Nauna nang kinumpirma ni Briones na pito ang unang natagpuang bangkay sa ground floor at second floor ng bahaysa Bruger Subd., Brgy. Putatan matapos maapula ang sunog dakong 10:25 ng umaga.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Matapos ang ilang oras ay natagpuan naman ang tatlo pang bangkay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.