Nagsisimula nang dagsain ng mga turista ang pamosong Boracay Island, ayon sa pahayag ng alkalde ng Malay sa Aklan nitong Biyernes.

Sinabi ni Malay Mayor Floribar Bautista, pasok pa rin ang naturang bilang sa ipinatutupad na carrying capacity ng isla na nasa 6,000 katao kada araw.

Reaksyon ito ng alkalde matapos isapubliko ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) nitong Huwebes na nakitaan nila ng mahigit sa 800 sinkholes ang isla.

"Basta hindi tayo bababa sa 4,000 a day…ang mga residents na lang sa Boracay nasa 38,000 'yan eh," sabi ni Bautista sa panayam sa radyo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“At regarding naman sa mga structure, meron kaming mga regulations sa Boracay na wala naman tayong masyadong high-rise. Ang maximum natin height sa Boracay 6 floors eh,” lahad ng alkalde.

Nais din nito na makita ang mapa kung saan nadiskubre ang mga sinkhole.

“At dapat din ma-identify kung saan banda 'yang mga sinkhole na 'yan. Manghingi ako ng mga mapa dyan sa MGB para malaman natin kung ganoon kalaki at hindi paglagyan ng structure dyan kasi merong sinkhole," dagdag pa ng alkalde.