Bangkay na ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage, nang matagpuan sa Estero de Vitas, Tondo, Manila nitong Huwebes, Disyembre 8. Tadtad ng bala ang katawan at nakatali ng "packaging tape" ang mga kamay ng 'di pa kilalang biktima, na inilarawang nasa edad 25-30, at may taas 5'5".

May tattoo rin ito sa dibdib na "Mendoza" at "Austine" naman sa likurang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PSMS Dennis Suba, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong alas-12:40 ng hapon nang madiskubre ng barangay tanod na si Ronald Cusa, ang bangkay ng biktima sa Estero de Vitas, na matatagpuan sa Mel Lopez Boulevard, kanto ng Rodriguez Extension, sa Tondo.

Kaagad naman niya itong ipinagbigay-alam sa pulisya upang maimbestigahan.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos