Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang milyun-milyong halaga ng puslit na agricultural products sa Port of Subic kamakailan.

Sa pahayag ng BOC, naglabas sila ng alert order nitong Disyembre 1 laban sa kargamento ngVeneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading na pawang galing sa China.

Unang nagsagawa ng physical examination nitongDisyembre 6 ang BOC sa 1×40 na shipment ng Veneta Consumer Goods Trading na unang idineklarang foodstuffs. Gayunman, nadiskubreng mga frozen carrots ang laman nito.

Sa ikalawang2×40 na shipment na nakapangalan sa Lalavy Aggregates Trading at idineklarang frozen lobster balls at crabsticks,nadiskubre na mga pula at puting sibuyas ang laman nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nabisto ang mga puslit na produkto sa gitna ng kakapusan ng suplay ng sibuyas sa bansa.

Nauna nang inihayag ng Department of Agriculture (DA) na puslit ang mga ibinebentang puting sibuyas sa merkado dahil walang inilalabas na import permit ang gobyerno para sa nasabing produkto.

Inihahanda na ng BOC ang kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) laba sa consignee ng mga kargamento.