PAMPANGA - Natimbog ng pulisya ang tatlo sa limang umano'y tumambang at pumaslang sa dalawang pulis nitong Sabado ng madaling araw sa Mabalacat City sa ikinasang hot pursuit operation sa nasabing lungsod.

Hawak na ng pulisya sinaJun Jun Espiritu Baluyut, 44, Aries Espiritu Bagsic, 40, electrician, at Leslie Placiente, 30, online seller, pawang taga-Pampanga.

Inaresto ang tatlo sa kanilang hideout saBrgy. Dau, Mabalacat City, kung saan nasamsam din ang isang motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen dahil sa nakitang bahid ng dugo.

Sa pahayag niPolice Regional Office Director Brig. Gen. Cesar Pasiwen, ang tatlo ay kabilang sa limang suspek sa pag-ambush kinaSenior Master Sgt. Sofronio Capitle Jr. at Staff Sgt. Dominador Gacusan Jr., pawang nakatalaga sa Mabalacat City Police Drug Enforcement Agency, sa Brgy. Dau, nitong Disyembre 3 ng madaling araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Napatay naman ang isa sa pinaniniwalaang kasamahan ng tatong suspek matapos umanong makipagbarilan sa sa mga pulis sa isang checkpoint sa lungsod nitong Linggo.

Nakilala ang napatay na siKiel Patrick Chua, alyas “Kelkel” dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Narekober malapit sa bangkay ni Chua ang isang Cal. 45 pistol at isang motorsiklo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang Kenneth Flores matapos marekober sa alulod ng bahay nito ang baril ng isa sa mga napatay na pulis.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek.