Patay ang dalawang pulis matapos pagbabarilin ng limang lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa Mabalacat, Pampanga nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Senior Master Sgt. Sofronio Capitle Jr. at Staff Sgt. Dominador Gacusan Jr., pawang nakatalaga sa Mabalacat City Police Drug Enforcement Agency.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kagagaling lang ng dalawa sa anti-drug operation sa Barangay Dau at pabalik na sa kanilang presinto sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin sila ng mga suspek dakong 3:40 ng madaling araw.

Nang matumba ang dalawang biktima dahil sa mga tama ng bala ng baril, nilapitan pa ng limang suspek at muling pinagbabaril.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos ang pamamaril, tumakas ang limang suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Kaagad namang iniutos ni Police Regional Office director Brig. Gen. Cesar Pasiwen ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang mga suspek at motibo.