STO. TOMAS CITY, Batangas -- Patay ang isang empleyado ng probation office sa Tanauan City nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa labas ng kaniyang tirahan sa Purok 4, Barangay San Vicente sa lungsod na itonoong Biyernes ng gabi, Nobyembre 25.

Kinilala ng Sto. Tomas City police ang biktima na si Arnel Montalban, 42, volunteer probation assistant (VPA) sa Tanauan City probation office at residente ng nasabing lugar.

Sinabi sa ulat na alas-7:35 ng gabi nasa labas ng bahay ang biktima at nakikipag-inuman dahil naghahanda para sa isang binyag na gaganapin ngayong araw, Nobyembre 26 nang biglang nilapitan umano ng suspek ang biktima at pinagbabaril ng ilang beses at tiyaka ito tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa national highway.

Nakasuot ng puting T-shirt, itim na jacket, at itim na pantalon ang gunman at nasa 5’8 -5’11 ang taas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan ang kaniyang trabaho sa pagpatay.

Nagsasagawa na rin sila follow-up operations para sa posibleng pagkakakilanlan ng gunman at ng driver ng motorsiklo.